Mas makikinabang kung si Joe Biden ang mananalo sa US election ayon kay Rep. Salceda kumpyansa si Albay Representative at Chair ng ways ang means committee ng kamara na magiging maganda ang ekonomiya ng bansa oras na mahalal si Joe Biden bilang pangulo ng Estados Unidos.
Ayon kay Salceda, muling sisigla ang ekonomiya ng Estados Unidos sa ‘Biden presidency’ na tiyak may positibong epekto sa bansa, lalo’t Estados Unidos ang isa sa pinakamalaking trade partner, export markers at pinagmumulan ng investment ng Pilipinas.
Bukod pa rito, ani Salceda, malaki rin ang tyansya ng bansa na magkaroon ng access sa mabubuong bakuna kontra COVID-19 dahil inaasahan aniyang ibabalik ni Biden ang magandang ugnayan ng 2 bansa.
Sa international aid naman, ani Salceda, malamang ay ibabalik din ni Biden ang pangunguna nito sa pandaigdigang development gaya ng pagpapalalakas sa kooperasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sasaluhin din ni Biden kay Trump ani Salceda ang US International Development Finance Corporation na may kapital na $60-B.
Sa huli, umaasa si Congressman Salceda, na mas agresibo itong gagamitin ni Biden kumpara kay Trump na nakipagkumpitensya sa Chinese investment, ayuda sa bansa at sa pangkalahatan ng ASEAN.