Pinatutuloy ng House Suffrage and Electoral Reforms Committee sa Commission on Elections ang ginagawa nilang paghahanda para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ito ay kahit pa naaprubahan na kahapon sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na nagsusulong na ipagpaliban ang naturang halalan.
Paliwanag ni CIBAC Partylist Representative Sherwin Tugna, Chairman ng nasabing komite, proposal pa lamang ang kanilang tinatalakay ngayon sa mababang kapululungan ng Kongreso.
Sa ilalim ng House Bill 7378, ililipat sa ikalawang Lunes ng Oktubre ang pagdaraos ng Barangay at SK election sa halip na gawin ito sa Mayo 14.