Itinanggi ni House Justice Committee Chairman Rey Umali ang alegasyong nakipag-ugnayan siya sa mga mahistrado ng Korte Suprema para i-pressure si Chief Justice Maria Lourdes na magbitiw na sa pwesto.
Paglilinaw ni Umali, nang kanyang maka-usap ang ilang mga mahistrado ng Korte Suprema, pinabulaanan aniya ng mga ito ang unang sinabi ng tagapagsalita ni Sereno kaugnay ng wellness leave nito.
Aniya, mismong ang mga nakausap niyang mahistrado ang nagsabi sa kanya hinggil sa paghahain ng indefinite leave ni Sereno.
Sinabi pa ni Umali na nanawagan lamang siya ng pagbibitiw sa pwesto ni Sereno dahil malinaw aniya na nagkakawatak-watak na ang Korte Suprema.
Iginiit ni Umali na hindi maaaring pamunuan ni Sereno ang Korte Suprema dahil mayorya ng mga mahistrado ang nagbibigay na ng hindi magagandang pahayag tungkol sa punong mahistrado.
RPE