Kumpiyansa si House Justice Committee Chairman at Oriental Mindoro 2nd District Rep. Reynaldo Umali na makalulusot sa Kamara ang death penalty bill.
Aminado si Umali na tutol siya noon sa parusang kamatayan subalit panahon na marahil upang ibalik ito dahil sa paglala ng krimen.
Para naman anya sa mga kumokontra ay dapat iwasang ihalintulad ang criminal justice ng Pilipinas sa ibang bansa upang pigilan ang panukalang ibalik ang bitay.
Habang tumatagal anya ay lumalala ang mga krimen gaya ng paraan ng pagpatay, panggagahasa at drug trafficking kaya’t dapat tapatan ang mga ito ng mas mabigat na hatol.
Samantala, hindi naman kabilang sa kasong may katapat na parusang kamatayan ang terorismo.
By: Drew Nacino