Sorpresang nabakante ang chairmanship ng House Appropriation Committee sa unang araw ng pagbabalik session ng Kamara, kahapon.
Ito’y matapos ihain ni Presidential Son Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos ang mosyon sa plenaryo upang ideklarang bakante ang posisyon na siyang hinahawakan ni Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co.
Kasunod nito, nagpasalamat naman si Co, sa mayorya ng kongreso sa pagtanggap sa kaniyang desisyon na magbitiw sa kaniyang pwesto dahil aniya sa kaniyang iniindang kalusugan kung saan kinakailangan na naiya itong tutukan.
Dagdag pa ng Kongesista, isang karangalan para sa kaniya ang magsilbi bilang tagapamahala ng naturang komite sa nakalipas na tatlong taon.
Pinagmamalaki rin aniya ang “Ayuda sa Kapos ang Kita o AKAP Program para sa mga Pilipino. – Sa panulat ni Jeraline Doinog