Inatasan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng telecommunications companies at iba pang concerned service providers na suspendehin ang lahat ng kanilang repair at maintenance mula May 4 hanggang 14.
Sa April 25 memorandum ng NTC, binigyang-diin ng NTC ang mahalagang papel na gagampanan ng mga telco at support infrastructure nila sa May 9 elections.
Alinsunod sa inamyendahang Republic Act 8436, dapat electronically transmitted ang election results ng automated election system sa Lunes.
Sa panahong ito inaasahang bubuhos ang mga resulta sa pakikipag-tulungan ng iba’t ibang government agencies, accredited citizens’ arms, volunteers, poll watchers at mga kandidato.
Sakali namang hindi maiwasan at magkaroon ng emergency repair at maintenance, dapat ipagbigay-alam agad ito ng mga telco sa NTC.