Tinatayang aabot sa 112 million pesos ang repair cost sa mga napinsalang paaralan dahil sa bagyong Karding.
Sa preliminary assessment ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service, nasa 20 eskwelahan ang nasira sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, National Capital Region at Cordillera Administrative Region.
Mahigit 12,174,549 estudyante sa 21,509 na paaralan ang naapektuhan ng bagyo, kabilang ang saklaw ng class suspensions.
Mayroon ding 107 school division na naapektuhan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol region, NCR, at CAR.
Nasa 327 eskwelahan naman ang ginamit bilang evacuation centers, kung saan 259 sa mga ito ang kasalukuyang ginagamit.