Kinondena ng China ang Pilipinas sa isinasagawang pagsasaayos sa kinakalawang na barko sa South China Sea Reef partikular sa Second Thomas Shoal.
Iginigiit ngayon ng Foreign Ministry ng China na tanggalin na ang barko sa lugar habang tinawag ang Manila na “Real Regional Troublemaker.”
Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang China sa sinabi nitong “troublemaker” ang bansa dahil sa pagsasaayos sa barko.
Una rito, napaulat na nagdadala ang Philippine Navy ng mga bakal at welding equipment gamit ang maliliit na bangka sa BRP Sierra Madre.
Inaayos daw ito para hindi maghiwa-hiwalay ang mga bahagi ng 100 meter-long (330-foot) tank landing ship na itinayo ng US Navy noong World War II.
By Mariboy Ysibido