Isinusulong ngayong sa Kamara ang pagkakaroon ng Reparation Pay sa mga naapektuhan ng giyera sa Marawi City.
Layon ng House Bill No. 7711 na ini-akda ni Lanao Del Sur 1st district Rep. Ansarrudin “Hooky” Adiong na mas matulungan pa ang mga biktima ng naganap na bakbakan na hanggang ngayon ay hindi pa nakakabangon sa kanilang dinaranas na kahirapan sa bahay.
Nakasaad sa panukala na kinakailangan maglaan ng pamahalaan ng 20 Bilyong Piso na gagamiting trust fund kung saan kukunin ang pambayad sa mga biktima ng limang buwang giyera.
Bukod dito, ang bubuuing Board of Marawi Siege Compensation ay ang mag-aaral ng aplikasyon at magbibigay ng kabayaran sa mga benepisyaryo.