Pumalo na sa mahigit 342,000 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagbalik-Pinas dahil sa epekto ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong Pebrero nang nakaraang taon.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong ika-12 ng Enero, 327,511 sa naturang bilang ang narepatriate noong nakaraang taon.
Ilan naman umano sa mga OFWs ay piniling manatili sa bansa kung saan sila naghahanap-buhay sa pag-asang unti-unting manunumbalik sa normal ang ekonomiya.
Samantala, una namang ipinabatid ni Overseas Workers Welfare Administration Hans Leo Cacdac na nasa 80,000 OFWs pa ang posibleng magbalik-Pinas sa unang bahagi ng 2021.