Tiniyak ng pamahalaan ang pananatili ng repatriation assistance para sa mga pilipinong nasa ibang bansa.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnel Ignacio, kahit natapos na ang Implementing Rules and Regulation (IRR) para sa Department of Migrant Workers, hindi naman mawawala ang OWWA.
Magsisilbi pa itong attached agency ng bagong departamento.
Samantala, binigyang diin ng opisyal na kasama ang repatriation efforts sa kanilang mandato kaya’t magpapatuloy ito bilang tugon sa hinihingi ng pagkakataon o sitwasyon. – sa panulat ni Abby Malanday