Pinoproseso na ng embahada ng Pilipinas ang pagpapauwi sa bansa sa bangkay ng mga nasawing Pinoy sa sunog sa Iraq.
Ayon kay Charge D’affaires Elmer Cato, inaasahang ngayong araw ay matatapos na ang identification sa 13 Pinoy na kabilang sa mga nasawi.
Matapos nito ay isusunod naman na ang repatriation ng mga nasawing OFW.
Matatandaang na-suffocate ang mga nasawing Pinoy sa makapal na usok bunsod ng nasusunog na hotel na kinaroroonan ng mga ito.
By Ralph Obina