Magpapatuloy pa rin ang repatriation ng mga Pilipino sa Iraq kahit pa nagpahayag na ng pag stand down ang Amerika at Iran.
Ayon kay Philippine Envoy to Middle East Secretary Roy Cimatu, ito ang pinakamagandang panahon para mailabas ng ligtas ang mga Pilipino duon habang wala pang military operations.
May pagkakataon pa rin aniya na posibleng magkaroon ng missile attack at ito ang mga sitwasyon na dapat paghandaan.
Tinatayang nasa 1,600 mga Pilipino ang nasa Iraq at naghihintay ng repatriation sa kanila.