Pumalo na sa kabuuang 1,696 na mga Pinoy ang nagbalik-bansa, kahapon, 16 ng Hunyo.
Sa naturang bilang, 665 sa mga ito ang lumapag sa Clark International Airport, habang ang 1,031 naman kanila ang lumapag sa NAIA.
Sa inilabas na impormasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA), ilan sa mga dumating Clark International Airport ay mga Pinoy seafarers na pawang mga crew ng mga kilalang cruise company.
Bukod pa rito, dumating din kahapon sa Clark ang nasa higit 300 mga Pinoy na pawang na-stranded sa UAE.
At, higit 1,000 mga Overseas Filipino Workers (OFW) din ang dumating kahapon sa NAIA.
Samantala, sa pinakahuling datos ng DFA, umabot na sa kabuuang 45,865 na mga Pinoy ang nakauwi ng bansa mula Pebrero ngayong taon dahil sa COVID-19 crisis.