Kasado na ang isasagawang repatriation ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Dubai, bukas.
Gayunman, sinabi ni Consul General Paul Raymund Cortes na iilang Overseas Filipino Workers (OFWs) lamang ang mag-aavail sa nasabing flight dahil sa mahigpit na mga panuntunan sakaling umalis muli sila ng Pilipinas.
Ayon kay Cortes, pumapalo sa 8,000 request para sa repatriation ang kanilang natanggap.
Ang sweeper flight ay nakatakdang umalis ng Dubai bukas ng 11:45 ng umaga pa-Manama sa Bahrain para sunduin ang mga OFW bago tuluyang lumipad pa-Maynila at inaasahang darating ng alas-4 ng madaling araw ng ika-1 ng Enero.
Priority ang mga OFWs na mayroon ng expired visit visas at kanseladong residency visas gayundin din ang mga walang sapat na pondo para sa plane tickets.