Patuloy ang pakikipagtulungan ng embahada ng Pilipinas sa Doha para mapauwi na sa bansa ang labi ng mag-anak na nasawi sa sunog sa Qatar.
Matatandaang, isa lamang sa pamilya Pingul ang nakaligtas sa sunog at ito nga ay ang anak ng mag- asawa na si Rafael Lorenzo, habang nasawi naman ang mag-asawang Rafael Paule at Chona Rian at ang isa pa nilang anak na si Micaela dahil sa tindi ng pagkakalanghap ng usok mula sa sunog.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Qatar Wilfredo Santos na tapos nang i-otopsiya ang labi ng mga nasawi na makakatulong aniya sa imbestigasyon ng mga pulis.
Umaasa rin siya na magkakaroon na ng developments sa kaso ng mga ito sa mga susunod na linggo gaya ng kung ano nga ba ang pinagmulan ng sunog.
Nakipagkita na rin si Santos sa panganay na anak ng mag-asawa na si Maria Angela Veronica na una nang dumating sa Qatar galing sa Pilipinas.
By Allan Francisco