Binasbasan na ang mga replica ng Itim na poong Nazareno isang araw bago ang taunang Traslacion.
Sa ginanap na prusisyon ng mga replica sa Quezon Boulevard sa Quiapo kahapon, Enero 7, nagkaisa at nagsaya ang mga deboto habang dala ang kani-kanilang mga replica.
Nagmula rin sa iba’t ibang lugar ang mga deboto na dala ang kanilang replica bilang pasasalamat sa poon.
Paalala naman ng pamunuan ng simabahan ng Quiapo, hindi paligsahan ang naturang prusisyon ngunit isa itong paraan para maramdaman ang presensya ng Panginoon.