Ipinauubaya na ng Pangulong Rodrigo Duterte kay incoming Customs Chief Isidro Lapeña ang pagreporma sa Aduana kapag tuluyan na itong nakaupo sa puwesto.
Ayon sa Pangulo bahala na si Lapeña na balasahin ang ahensya para mawala ang mga opisyal at tauhan na namihasa at nagpayaman sa mga tara ng mga pinapalusot na kontrabando.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya kokontra sakaling maisipan ni Lapeña na ilipat sa Zamboanga o kung saang lugar na may Maute ang mga tiwaling opisyal at tauhan ng Aduana.
Kasabay nito ipinabatid ng Pangulo na may ibibigay siyang puwesto kay Customs outgoing Chief Nicanor Faeldon.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE