Tiniyak ng Malakanyang na ipagpapatuloy ng administrasyong Duterte ang pagtugon sa napakatagal ng apela ng mga magsasaka at Indigenous Peoples (IP) para sa Genuine Land Reform.
Ito’y makaraang manawagan si Labor Leader at Presidential Candidate Ka Leody De Guzman sa pamahalaan na tugunan ang land grabbing na naging daan sa mass exodus ng mga IP mula sa kanilang ancestral lands.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Martin Andanar, nananatiling nakatutuok si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon sa issue ng genuine agrarian reform sa bansa.
Batay sa datos ng gobyerno, nasa 229,000 hectares na ng agricultural lands simula 2016 hanggang may 2021 ang ipinamahagi sa 166,000 agrarian reform beneficiaries.
Nagpalabas din ang pamahalaan ng 57 Certificates of Ancestral Domain Titles na nakasasakop sa halos isang milyong ektarya ng ancestral domains at mahigit 257,000 IP ang nakinabang simula 2016 hanggang Hunyo 2021.
Makaaasa at makasisiguro rin anya ang mga tao, kabilang si Ka Leody na magpapatuloy ang pamamahagi ng mga lupain sa mga landless farmer hanggang matapos ang termino ni Pangulong Duterte.