Pinuri ng National Youth Commission (NYC) ang ginawang paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa Republic Act No. 10742 o SK Reform Act bilang ganap na batas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni NYC Chairperson Gregorio Ramon “Gio” Tingson na maganda ang bagong batas na ito dahil layunin nitong mapalakas ang Sangguniang Kabataan (SK).
Giit ni Tingson, ang mahalagang probisyon ng batas ay ang pagtatakda ng bagong age limit para sa mga SK officers kung saan ginawa na itong 18 hanggang 24 anyos.
Pabor naman si Tingson sa nakapaloob na probisyon ukol sa anti-dynasty kung saan bawal nang tumakbo ang mga kamag-anak ng elected o appointed officials.
“Yung isang naging konsiderasyon ay dapat magkaroon tayo ng dynasty clause para magbigay tayo ng oportunidad para sa maraming kabataan na makapag-participate, makita natin na mayroon nang equal playing field, gaganda ang takbo ng pulitika, ito yung mga pag-aaral na nagawa ng UP, nagawa din po sa iba-ibang lugar.” Pahayag ni Tingson.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita