Kinontra ni Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa ang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino sa kaniyang huling State of the Nation Address (SONA) noong Lunes hinggil sa pagbaba ng datos ng mga walang trabaho sa bansa.
Ayon kay Africa, bumaba ang datos dahil hindi isinama ng administrasyon ang Region 8 na tinamaan ng bagyong Yolanda.
“’Yung official na nireport nila, totoong bumaba siya kumpara sa mga nakaraang taon, pero ang dapat binuo niyang kuwento, bumaba ‘yung bilang ng unemployed kasi hindi nila isinama yung Region 8, yung tinamaan ng Yolanda, so actually napakalaking mababawas doon sa bilang ng unemployed at pagiging underemployed kung tatanggalin ‘yung Region 8.” Ani Africa.
Hindi rin sinang-ayunan ni Africa ang ibinida ni Pangulong Aquino hinggil sa pagbaba ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa halos 10 milyon na ngayon aniya ay naging 9 na milyon na lamang.
By Allan Francisco | Sapol ni Jarius Bondoc