Itinanggi ng Chinese Embassy sa Pilipinas na gagantihan ng kanilang gobyerno ang mga Pilipino sa sandaling ipa-deport ng pamahalaan ang Chinese nationals na mapapatunayang iligal na nagtatrabaho sa bansa.
Kasunod na rin ito ng naging pahayag ng malakaniyang hinggil sa umanoy nasabing banta ni Chinese Ambassador Zhao Jinhua.
Sinabi ng Chinese Embassy na walang dahilan para hindi ipatupad ng kanilang gobyerno ang mga batas at panuntunan may kinalaman sa illegal foreign workers.
Iginagalang anito ng Beijing ang mga regulasyon ng Pilipinas at hindi nila kinukunsinti ang mga kababayan nilang iligal na nagta trabaho sa Pilipinas.
Ayon sa Chinese Embassy mahigpit ang paalala nila sa kanilang mga nationals na sundin ang mga batas ng mga bansang pinupuntahan nila.