Dapat ikabahala ng Administrasyong Duterte ang report ng Amnesty International na nagsasabing crime against humanity ang serye ng mga pagpaslang sa drug suspects dahil lumalabas na planado ang mga ito.
Ayon kay Senador Leila De Lima, maaaring gamitin ito para manghimasok ang international criminal court.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. De lima
Sinabi rin ni De Lima na meron siyang mga natatanggap na impormasyon na pulis o asset nila ang pumapatay kaya matibay, aniya, ang kanyang paniniwalang may basbas ng gobyerno ang mga nasabing krimen kung saan may sangkot din umanong pera.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. De lima
By: Avee Devierte / Cely Bueno