Hindi dapat masamain ng mga ahensya ng gobyerno ang report na ipinalalabas ng commission on audit hinggil sa paggastos nila sa kanilang budget.
Ayon ito kay Vice President Leni Robredo matapos sunud sunod na ilabas ng COA ang annual report nito sa mga ginastos na pondo ng mga ahensya ng gobyerno.
Binigyang diin ni Robredo na dapat malinaw sa government agencies na kailangan ang mga ganitong proseso at regulasyon para matiyak na walang korupsyon o hindi makatuwirang paggastos sa gobyerno.
Uubra naman aniyang tumugon at magpaliwanag ang mga nasabing ahensya ng gobyerno sa paganahin ang transparency sa kani kanilang sistema at proseso.
Kasabay nitoM hinimok ni Robredo ang state auditors na ipagpatuloy lamang ang kanilang trabaho para matiyak ang good governance.