Nakitaan ng kakulangan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang report ng senado at ng Task Force PhilHealth makaraang imbestigahan nito ang panibagong anomalya sa PhilHealth.
Ani Recto, wala kasing natukoy na dapat pananagutan ng mga board of directors ng ahensya.
Ex-officio chairman ng board ay si Health Secretary Francisco Duque III, habang kabilang sa miyembro ay mga kalihim ng Department of Finance, Department of Budget and Management, Department of Social Welfare and Development, at, Department of Labor and Employment.
Pagdidiin pa ni Recto, tungkulin ng board na bantayan ang pamunuan at pangangasiwa ng PhilHealth.
Tingin pa ni Recto, na dahil sa nadiskubreng anomalya sa ahensya, lumalabas aniya na nagpabaya ang mga kasapi ng board.
Kasunod nito, umaasa naman si Recto na iimbestigahan ito ng Ombudsman, na pinaniniwalaan niyang mas magiging malalim ang isasagawang pagsisiyasat. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno