Target ng binuong task force ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagiimbestiga sa alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth na maisumite ang kanilang report sa Setyembre 14.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson Undersecretary Markk Perete, binigyan lamang ng tatlumpung araw ang taskforce mula ng binuo ito para maisumite ng kanilang report kay Pangulong Duterte.
Aniya, Agosto 14 kasi nabuo ang taskforce kaya plano nilang matapos ang kanilang report at maisumite ito sa Setyembre 14.
Sinabi naman ni Perete na nakikipagtulungan sa task force ang mga testigo inimbita nila para sa imbestigasyon bagama’t may ilang mga dokumento pa silang hindi nakukuha bunsod na rin ng ipinataw na preventive suspension sa ilang mga opisyal ng PhilHealth.
Binubuo ang task force PhilHealth ng DOH, Office of the Ombudsman, Commission On Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Office of the Special Assistant to the President at Presidential Anti-Corruption Commission.