Posibleng ilabas na anumang araw mula ngayon ng tanggapan ng Ombudsman ang resulta ng isinagawa nilang imbestigasyon.
May kaugnayan ito sa umano’y maling paggamit ng mahigit P900 milyong pisong pondo mula sa Malampaya na nakalaan sana sa energy related projects.
Sa ginawang pagdinig ng House Appropriations Committee para sa panukalang 2016 budget, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio – Morales na hawak na nila ang report ng panel of investigators hinggil dito.
Sinabi ni Morales na kasalukuyan pa nilang pinag-aaralan ang report kaya’t hindi pa siya makapag bigay ng petsa kung kailan ito mailalabas.
Kabilang sa mga dawit sa nasabing anomalya si pork barrel scam queen Janet Lim – Napoles gayundin ang 3 senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
By Jaymark Dagala