Isinumite na ng PNP – IAS o Philippine National Police – Internal Affairs Service kay PNP Chief General Ronald Dela Rosa ang kanilang report ukol kay Superintendent Lito Cabamongan, ang pulis na nahuli sa aktong gumagamit ng iligal na droga.
Ayon kay Atty. Maria Lynnberg Constantinopla, pinuno ng IAS – Intelligence and Investigation Office natapos na nila ang kanilang imbestigasyon at nakatakdang ibigay ang isang resolusyon kay Dela Rosa ngayong Martes.
Gayunman, tumanggi na si Constantinopla na magbigay pa detalye sa kanilang isinumiteng report.
Matatandaang, si Cabamongan ay dating hepe ng PNP Crime Lab sa Alabang at nadakip habang nagpa-pot session kasama ang isang babae sa isang bahay sa Las Piñas City noong Marso.
By Krista De Dios