Humakot ng parangal ang ilan sa mga personalidad ng DWIZ 882 ng Aliw Broadcasting Corporation sa dalawang (2) award giving bodies.
Kinilala si Patrol 19 Cely Ortega – Bueno bilang Best Female Broadcaster of the Year ng Rotary Club of Manila Journalism Awards.
Personal na tinanggap ni Bueno ang nasabing parangal kung saan, pinagbatayan ang mga malaliman niyang panayam sa iba’t ibang personalidad na may kinalaman sa pinaka-maiinit na usaping pambayan.
Dumalo rin sa nasabing parangal ang chairman ng Aliw Broadcasting Corporation na si D. Edgard Cabangon, ABC President at CEO Josephine Reyes at DWIZ OIC Station Manager at Program Director Ely Aligora.
Bukod kay Bueno, tumanggap din ng Presidential Award ang Radyo Klinika Host na si Marou Pahati – Sarne mula sa Philippine Heart Center.
By Jaymark Dagala / Jonathan Andal