Malabong makapagpababa sa 1 ang reproduction number ng coronavirus sa loob ng dalawang linggo.
Ayon ito sa OCTA Research group bilang reaksyon sa pagpapairal ng mas pinahigpit na panuntunan sa NCR Plus bubble.
Sinabi ni Professor Guido David, miyembro ng OCTA Research group, na tumagal ng 28 araw o halos isang buwan para bumaba ang reproduction number nang makaranas ang bansa nang pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong isang taon.
Sa ngayon aniya ay nasa 2.1 ang reproduction number sa NCR at kung nais na mapababa ang kaso ng COVID-19, kailangang mapababa rin ang reproduction number mula sa 2.1 sa 1 kaya’t imposibleng mangyari ito sa loob ng dalawang linggo.
Ang reproduction number ay biang ng mga tao na ma-iinfect ng isang COVID-19 case.
Kasabay nito, iginiit ni David ang pagtaya ng OCTA Research na maaabot na ng Metro Manila hospitals ang full capacity sa unang linggo ng Abril sa gitna na rin nang paglobo pa ng COVID-19 cases sa bansa.