Sumirit pa sa 1.15 ang reproduction number ng COVID-19 cases sa National Capital Region.
Nangangahulugan ito ayon kay Professor Guido David, miyembro ng OCTA research group na bumibilis ang hawahan ng nasabing virus sa gitna na rin nang pinangangambahang pag usbong ng Delta variant.
Binigyang diin ni David na maituturing na ring high risk ang Metro Manila matapos makapag rehistro ng 1.15 na reproduction number o bilis ng virus na makahawa.
Kasabay nito ipinabatid ni David na posibleng pumalo sa 10,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 at malaking factor dito ang nakapasok nang Delta variant ng coronavirus