Tumaas ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region.
Ayon sa OCTA Research Group pumalo sa 1.21 ang hawaan sa Metro Manila na huling naitala nuong Abril 18, 2021 kung saan umiiral nuon ang Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus.
Tumaas din umano ng 11% ang daily average case mula Hulyo 13 hanggang 19.
Gayunman sinabi ng grupo na maaga pa para ikaalarma ang naturang pagtaas ng kaso dahil hindi pa masasabi kung magtutuloy ito.