Patuloy ang pagtaas ng reproduction number ng COVID-19 sa bansa ayon sa OCTA Research Group.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA, ngayon na nasa 1.5 na ang reproduction number. Malaki ang posibilidad na umabot sa 16,000 ang maitalang COVID-19 case kada araw sa susunod na linggo.
Ngayong linggo, pumapalo sa mahigit 14,000 ang kaso ng COVID-19 na naitatala sa bansa kada araw.