Lalo pang bumaba ang COVID-19 reproduction number sa 0.97 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research, mula sa 0.99 nuong nakaraang araw ay nagpapakita na talaga umano ito ng pababang reproduction numbers ng nakakahawang virus sa rehiyon.
Ang reproduction number ay tumutukoy sa dami ng mga hawaang naitatala dulot ng COVID-19.
Ipinabatid pa ni David na nakapagtala ang NCR ng growth rate na negative 22% sa nakalipas na isang linggo kung saan may average na 4,480 cases.
Lumalabas na sa 17 Local Government Unit (LGU) ay mayroong negative 1 na growth rate.