Patuloy ang pagbaba ng reproduction number sa National Capital Region (NCR) ayon sa OCTA Research Group.
Sinabi ni OCTA Fellow Dr. Guido David, nasa 1.03 na lang ang reproduction number sa NCR, simula nuong Setyembre 15 hanggang 21.
Ang reproduction number ay tumutukoy sa indibidwal na maaaring hawaan ng bawat isang kaso.