Parehas na bumaba ang naitalang reproduction number sa buong bansa at sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research nasa 0.47 ang reproduction number sa NCR habang 0.55 sa buong bansa.
Bumaba rin umano ang naitalang 7-day average sa bansa sa 6,416.
Ito na aniya ang pinakamababang 7-day average na naitala mula noong Hulyo.
Inaasahan naman ng OCTA Research na bababa pa ang COVID-19 case bago matapos ang Oktubre sa antas bago pa lumaganap ang Delta variant sa bansa.