Bumaba sa 1.43 ang reproduction number ng COVID-19 cases sa Metro Manila hanggang kahapon, Agosto 31.
Ito ayon sa kay Professor Guido David, fellow ng OCTA Research Group ay mas mababa sa 1.56 na naitala hanggang nitong Agosto 24.
Sinabi ni David na bumaba rin sa 1.27 ang reproduction number ng COVID-19 cases sa Quezon City at 1.33 sa lungsod ng Maynila.
Nangunguna pa rin aniya ang NCR sa mga rehiyon sa bansa na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 o nasa 3,515 cases hanggang katapusan ng Agosto, at sinundan ito ng Cavite – 1, 428 ..Bulacan – 810, Laguna – 698 at Cebu – 591.