Bahagyang bumaba ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila ngayong linggo.
Ito ayon sa OCTA Research Group ay bagama’t patuloy ang naitatalang average na mahigit limang libong kaso ng COVID-19 kada araw sa NCR.
Sinabi ni Dr Guido David, Fellow ng Octa Research na nasa 1.34 ang reproduction number ng NCR ngayong linggo, mula sa 1.39 noong nakalipas na linggo.
Ipinabatid ni David na ang NCR ay nakapagtala ng average na 5,854 cases sa nakalipas na linggo, na mayroong 11% growth rate.
Sinimulan na ngayong araw na ito ang dalawang linggong implementasyon ng alert levels system sa NCR na nasa alert level 4 dahil sa patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19.