Bumaba pa sa 0.67 ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ngayong araw.
Ayon sa OCTA research group, kapansin-pansin na ang tuloy-tuloy na pagbaba ng reproduction number na naitatala kada araw.
Ang reproduction number umano na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na bumabagal na ang hawaan ng COVID-19.
Maliban sa reproduction number, bumaba rin sa 32% ang 7-day average ng COVID at bumaba naman sa 14% ang positivity rate.
Nitong Lunes, sinabi ng OCTA na nasa moderate risk na lamang ng COVID-19 ang kanilang klasipikasyon ang NCR.