Tumaas pa sa 1.38 ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon ito sa OCTA Research Group kung saan ang rumehistro ang average na 1,096 new cases sa Metro Manila mula Hulyo 23 hanggang 29 o 28% na pagtaas mula sa average na 854 daily new infections mula Hulyo 16 hanggang 22.
Ang Metro Manila ay nakapagtala ng Average Daily Attack Rate (ADAR) ng 7.85 cases kada 100,000 population, Healthcare Utilization Rate na 41%, ICU occupancy rate ng 50% at 9% positivity rate.
Ang Metro Manila ay nakatakdang isailalim muli sa ECQ simula sa Agosto 6 hanggang 20 matapos sumirit ang kaso ng COVID-19.