Tumaas ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region.
Ayon sa OCTA Research Group pumalo sa 1.06% ang hawaan sa Metro Manila na huling naitala nuong Abril 18, 2021 kung saan umiiral nuon ang Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus.
Tumaas din umano ng 11% ang daily average case mula Hulyo 13 hanggang 19.
Gayunman sinabi ng grupo na maaga pa para ikaalarma ang naturang pagtaas ng kaso dahil hindi pa masasabi kung magtutuloy ito.