Tumaas pa sa 1.35 ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Sa gitna na rin ito nang pagkukumahog ng mga otoridad na maharangan ang pagkalat ng delta variant ng Coronavirus.
Ayon sa OCTA Research Group, umakyat sa 1.35 ang reproduction number ng COVID-19 cases sa Metro Manila mula Hulyo 22 hanggang 28 at tumaas naman ng 29% o nasa 1,041 ang average new cases ng virus sa kalakhang Maynila.
Ipinabatid ng OCTA Group na sumirit din sa 8% ang positivity rate sa NCR.
Subalit inihayag naman ng OCTA Group na batay sa DOH Indicators, nasa safe levels ang hospital bed at ICU Utilization subalit tumaas sa 51 ang mga okupadong hospital beds kada araw sa nakalipas na pitong araw.
Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng General Community Quarantine with heightened restrictions.