Bumaba pa sa 0.45 ang reproduction number sa National Capital Region.
Ayon sa OCTA Research, bahagya itong bumaba mula sa 0.46 kahapon at 0.57 noong Oktubre 18.
Ang reproduction number ay tumutukoy sa antas ng hawaan ng nagpositibong indibidwal.
Samantala, naitala na rin ang 996 na 7-day average sa rehiyon.
Ito’y mula sa mahigit 1,700 noong mga nakalipas na linggo.
Bumaba naman sa 7 porsyento mula sa 10 porsyento ang positivity rate sa NCR. —sa panulat ni Airiam Sancho