Tumaas ang reproduction number ng Metro Manila sa 1.08.
Ayon sa OCTA Research, ibig sabihin nito ay napanatili ang transmission sa bansa sa gitna ng paghahanda sa posibleng pagkalat ng Delta variant.
Batay sa pinaka huling datos ng mga eksperto, nasa 744 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 mula Hulyo 14 hanggang 20, mataas ito kumpara sa 629 na naitala noong Hulyo 7 hanggang 13.
Naitala rin sa NCR ang daily attack rate na 5.39 cases sa kada 100,000 populasyon.