Pumalo na sa 1.29 ang reproduction number o yung bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) nitong Hunyo a-6.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, mula ito sa 1.15 na naitala noong Mayo 31.
Mas naging ‘concerning’ naman ang naitalang positivity rate sa ncr noong Hunyo a-8 na nasa 2.2% mula sa 1.5% noong nakaraang linggo.
Samantala, bahagya ring tumaas ang seven day average ng bagong kaso sa NCR na nasa 100 na.
Habang ang ospital occupancy ay tumaas sa 1, 520 o 24% , mula sa 1, 372 o 21%.
Sa kabila naman ng bahagyang pagtaas ng kaso, tiniyak ni David na nasa low risk pa rin ang NCR.