Bumaba ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa buong bansa.
Ito ay ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research group, nasa 1.28 ang reproduction number sa Pilipinas.
Maliban dito, bumaba rin ang 1-week growth rate sa 7% mula Agosto 31 hanggang Setyembre 6.
Sa huli, binigyang diin ng OCTA na posible pang bumaba ang bilang ng mga kaso ng virus sa loob lamang ng isa hanggang dalawang linggo.