Naitala ang 0.96 reproduction number ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa OCTA research.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA, nananatiling mababa pa rin ng reproduction number sa bansa.
Aniya noong Setyembre 26 naitala ang 0.98 habang 0.94 naman noong Setyembre 27.
Gayunman, nananatili pa rin aniyang puno ang mga ospital sa mga lugar na higit na apektado ngayon ng COVID-19.
Mapapansin kasi umano ang “downward trend” sa Metro Manila, ngunit nananatiling may pagsirit ng COVID-19 case sa ilang mga probinsya.