Sumampa na sa 1.42% ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay Prof. Guido David ng OCTA research group, sumirit din sa 19% ang bilang ng kaso o nasa 9,000 na ang daily average cases.
Nangunguna ang NCR sa nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 na seryoso na aniya at maituturing na record-breaking.
Kabilang sa nakapagtala ng pinakamataas na kaso noong Sabado ang mga lungsod ng Quezon, 1,449; Maynila, 892; Caloocan, 869; Pasig, 748; Taguig, 642; Parañaque City, 547 at Makati, 534;
Base naman sa datos ng Johns Hopkins University, nasa orange mark na ang Pilipinas na nangangahulugang nasa high risk na ang bansa.—sa panulat ni Drew Nacino