Bahagyang tumaas ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) batay sa datos ng OCTA Research Group.
Ayon kay Dr. Guido David, Research Fellow ng OCTA, nakapagtala sila ng 0.98 reproduction number kahapon kumpara sa 0.94 noong Sabado.
Kahapon, nakapagtala ng mahigit limang libong bagong kaso ang Department of Health (DOH).
Una nang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na posibleng ibaba na sa level 3 ang alerto sa NCR sa ilalim ng bagong quarantine classification.