Bumaba na sa 1.19 ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon ito kay Professor Guido David, miyembro ng OCTA research group na nagsabi ring na obserbahan nila ang negatibong growth rate ng virus sa ilang lungsod sa Metro Manila. Tiwala si David na bababa pa sa 1.1 o halos 1 ang reproduction number ng COVID-19 sa kalakhang maynila bago matapos ang linggong ito.
Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong maaaring mahawahan ng isang kaso ng COVID-19.
Inihayag pa ni David ang inaasahan nilang pababang trend sa NCR sa susunod na linggo sa pagpapatuloy ng ipinatutupad na MECQ sa NCR plus at posibleng nasa tatlong libo na lamang ang bagong kaso ng virus dito makalipas ang isang buwan.
— sa panulat ni Rashid Locsin